^

Metro

Aberya sa MRT dumadalas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa halip na mapabuti ang serbisyo ay lalo pang ‘gumegewang’ at nagiging madalas ang pagkakaroon ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3)

Kahapon ng umaga ay muling nadismaya ang mga pasahero ng MRT-3 makaraang salubungin sila ng aberya.

Ayon sa MRT Operation Center, dakong alas-6:00 ng umaga ng huminto ang tren sa Ortigas station.

Hindi idinetalye ng Operation Center ang sanhi ng aberya ng isa nilang tren na hinatak na lamang pabalik sa depo ng MRT sa North Avenue, Quezon City.

Noong Biyernes ng hapon ay nagkaroon din ng aberya ang isang bagon ng MRT-3 na ikinainis ng mga pasaherong sakay nito na pinababa.

Una dito ay sinabi ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya na gaganda na ang serbisyo ng MRT-3 dahil ginagawa na nila ang lahat ng paraan para maisaayos, maresolba ang lahat ng depekto at problema sa MRT at iba pang mass transport system sa bansa.

vuukle comment

ANG

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

JOSEPH EMILIO ABAYA

METRO RAIL TRANSIT

MRT

NBSP

NOONG BIYERNES

NORTH AVENUE

OPERATION CENTER

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with