3 sugatan sa Las Piñas fire
MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong katao matapos lamunin ng malakas na apoy ang 40 kabahayan sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Perpetual Medical Center ang mga biktimang sina Florencio Alfaro, 52; Elsa Sevilla, 42 at Mary Ann Importante, 50, pawang mga residente ng Trinidad St., Brgy. Pamplona Uno ng naturang lungsod, nagtamo ang mga ito ng 1st degree burn sa kanilang mga katawan.
Ayon sa pagsisiyasat ni Fire Officer 2 Daise Pedralde, ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection, alas-7:30 ng gabi ng magsimula ang sunog sa bandang kusina ng bahay ni Carlito Lutina sa San Isidro Compound ng naturang lugar.
Dahil gawa lamang sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy na puminsala sa may 40 ka-bahayan ang napinsala.
Sanhi ng malakas na apoy, nagtakbuhan ang mga residente kung kaya’t nagbagsakan ang mga naglalagablab na mga yero at kahoy, na nagresulta nang pagkasugat ng tatlong biktima .
Naapula naman ang apoy makalipas ang dalawang oras at alas-9:20 ng gabi idineklara itong fire-out ng mga awtoridad.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog at magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala.
- Latest