^

Metro

Roadside court, plano ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang solusyon na rin sa trapiko at mangongotong na mga enforcer, plano ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagtatayo ng roadside court sa ilang pa­ngunahing lansangan ng Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, ipipresenta niya ang nabanggit na planong  proyekto ng ahensiya sa susunod na pulong ng Traffic Technical Working Group.

Makikipag-ugnayan rin umano siya sa 17 alkalde sa Metro Manila, na siyang bumubuo ng  Me­tro Manila Council (MMC) upang  talakayin ang nabanggit na proyekto.

Sa naturang plano, limang roadside court ang itatayo sa strategic areas tulad  ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), Circumferential Road-5, Quirino Avenue, Commonwealth Avenue at Roxas Boulevard.

Ang roadside courts  ang reresolba umano sa mga kaso ng extortion o pangingikil na kinasa­sangkutan ng mga  traffic constables.

 Ngunit maaari rin naman ang kanilang empleyado na maghain ng reklamo laban sa sinumang motoristang nagtangkang mag-alok ng pera.

Bukas umano anumang oras  ang roadside court na handang umagapay sa mga complainants.

Dedesisyunan agad ng roadside court presi­ding officer ang reklamo kung may ebidensiya ito.

ACIRC

ANG

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

CIRCUMFERENTIAL ROAD

COMMONWEALTH AVENUE

MANILA COUNCIL

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NBSP

QUIRINO AVENUE

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with