^

Metro

Lt. Col. Marcelino, sumalang na sa preliminary investigation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal na iniharap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si dating PDEA official Lt. Col. Ferdi­nand Marcelino para sa pre­liminary investigation ng De­partment of Justice (DoJ) sa kinakaharap niyang P320 million drug possesion, ma­nufacturing at iba pang kaso.

Bantay sarado si Marce­lino nang dumating ng DOJ dakong alas-2:00 ng hapon kung saan nakasakay ito sa puting van ng PDEA.

Agaw pansin naman ang kapatid na madre ng military officer na nagpakilalang si Minerva Marcelino na nanguna sa grupo ng mga taong nananawagan sa mga opisyal ng pamahalaan para palayain ang kaniyang kapatid.

Sa pagharap ni Marcelino sa prosecutor na may hawak sa kaso, sinumpaan niya ang affidavit na tugon sa kinakaharap niyang mga reklamo.

Hiniling din ni Marcelino sa DOJ na mailipat siya ng detention facility sa Camp Crame.

Magsusumite  naman ng reply affidavit ang PDEA laban sa counter affidavit ni  Marcelino sa Pebrero 3.

 

ACIRC

AGAW

CAMP CRAME

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FERDI

HINILING

MAGSUSUMITE

MARCELINO

MINERVA MARCELINO

PEBRERO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with