^

Metro

Vendors, trapik lulutasin — Estrada

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni  Manila Mayor Joseph Estrada na may tamang lugar ang mga vendors sa Maynila at hindi umano nila ito pinapayagang  kumalat sa lansa-ngan kung saan nalalagay sa panganib ang kanilang mga  buhay.

Ang  pahayag ni Estrada ay bunsod na rin  ng pagsusulputan ng mga vendors kung saan nakasasagabal na ang mga ito sa daloy ng  mga sasakyan partikular sa Divisoria at Avenida, Rizal.

Ayon kay Estrada, unti-unti nila inaayos ang lugar ng mga vendors upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko. Kabilang na aniya dito ang paglalabag ng night market kung saan hindi maaaring magtinda sa kalsada ang mga vendors.

Dahil dito nakikita na ang kalsada ng Divisoria na malaking pagbabago dahil hindi na nadaraanan noon ang kalsada dahil sa puno  na ng mga vendors.

Binigyan diin ng alkalde na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang masolusyunan ang problema sa vendors at trapik subalit marami ang agad na sumusuko.

Aniya,hindi naman agad malulutas sa isang iglap ang problema na matagal nang hindi sinolusyunan ng mga nakaraang  administrasyon.

Sa katunayan, epektibo naman ang truck ban subalit tila masyadong maawain ang   Malakanyang kaya’t nang nakiusap ito na alisin ang truck ban ay pinagbigyan nila ito.

Nakakapanghinayang lamang ang planong solusyon ni Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso upang mawala ang trapik sa Maynila.

Hindi naman umano maikakaila na nagkaroon ng truck ban kaya lumuwag ang Maynila.

ANG

ANIYA

AYON

BINIGYAN

DIVISORIA

HINDI

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with