^

Metro

Swiss tigok sa shadow boxing

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 39-anyos na Swiss national nang mag-collapse at hindi na nagkamalay matapos ang ehersisyo o shadow boxing sa loob ng fitness center ng isang hotel sa Er­mita, Maynila, kamaka-lawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Richard Prader, nanunuluyan sa Room 2936, 29th floor ng New World Manila Bay Hotel na matatagpuan sa 1588 M.H. Del Pilar panulukan ng Pedro Gil Sts., Er­mita, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 5:15 ng hapon nang matapos umanong mag-shadow boxing sa loob ng Club Oasis Fitness Center ng nabanggit na hotel ang biktima nang tumumba ito. Ang shadow boxing ay imaginary lamang ang spa-rring partner o walang tunay na kalaban.

Agad namang sinaklolohan ng gym personnel ang biktima at binigyan din ng paunang lunas ni Dr. Orlando Filoteo, ang hotel physician, o Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at kinabitan ng oxygen para i-revive subalit hindi umano nagkamalay kaya dinala sa Manila Doctor’s Hospital.

Dakong alas 6:11 ng gabi nang ideklarang patay sa nasabing pagamutan ang biktima.

Nakikipag-ugnayan na ang MPD sa kanilang embahada para sa kaukulang aksiyon at maipaalam sa kaanak ng biktima ang insi-dente.

 

ACIRC

ANG

CARDIO PULMONARY RESUSCITATION

CLUB OASIS FITNESS CENTER

DEL PILAR

DR. ORLANDO FILOTEO

MANILA DOCTOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NEW WORLD MANILA BAY HOTEL

PEDRO GIL STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with