^

Metro

Seaman at kalaguyo ipinakulong ng OFW

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang seaman at umano’y kalaguyo nito nang ipadakip sila ng tunay na misis nito na isang overseas Filipino worker matapos malaman na may walong taon nang nagsa­sama ang mga suspek, sa Caloocan City.

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Rogelio Cancino, 38, ng #22 Saint Mathew St., San Pablo Subdivision, Magkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City at ang umano’y kalaguyo nitong itinago sa pangalang Mylene, 28, ng Cadena de Amor Compound, Barangay 174, Camarin, Caloocan City.

Bitbit naman ng 35-anyos na ginang na nagta-trabaho bilang store secretary sa isang kumpanya sa Singapore ang mga dokumentong magpapatunay na siya ang lehitimong asawa ni Cancino.

Dahil sa mga ebidensiyang ipinakita ng ginang, kaagad na dinakip si Cancino at ang kanyang kinakasama sa tinitirhan nito sa Cadena de Amor compound.

Lumabas sa imbestigas­yon ni SPO2 Cherilyn Alaon ng Caloocan City Police na mula taong 2008 ay nagsama na bilang mag-live-in partner ang dalawa kung saan nagkaroon na sila ng tatlong anak.

Nang umuwi ng bansa ang ginang, kaagad niyang tinipon ang mga kinakailangang dokumento bilang ebidensiya at ipinagharap ng reklamo ang asawa na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa.

Kasong concubinage o pagkakaroon ng sekswal na relasyon ng isang kasal na lalaki sa babae na hindi niya asawa at pagbabahay dito ang isinampa ng pulisya laban kay Cancino.

Pakiki-apid o adultery naman ang isasampa sa babae sa piskalya ng Caloocan City.

ACIRC

AMOR COMPOUND

ANG

CADENA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CANCINO

CHERILYN ALAON

MAGKAISANG NAYON

QUEZON CITY

ROGELIO CANCINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with