^

Metro

‘NBI agent’ tiklo sa kotong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ang isang nagpanggap na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tangkang pangongotong sa isang negosyanteng Filipino-Chinese sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakapiit ngayon sa Manila Police District-Police-station 11 ang suspek na si Wilfredo Beltran, 35, residente ng no. 34 Sociego St., Tenejeros, Malabon City matapos sampahan ng reklamong Robbery (extortion) at  Usurpation of Authority sa Manila Prosecutors Office.

Sa reklamong inilahad  kay PO2 Joseph Villafranca ng biktimang si Vicky Ang, 44, may puwesto sa 530 Sto. Cristo St. Binondo, Maynila, bandang ala -1:30 ng hapon nang magtungo sa tindahan ang suspek at hinanapan umano siya ng business permit at iba pang dokumento para sa kanyang mga paninda.

Tinakot umano siya na ipasasara ang kaniyang tindahan at makukulong sa kaso dahil sa kakulangan ng dokumento ng kaniyang negosyo.

Habang nakikipag-usap ang suspek na pwedeng maa­reglo kung magbibigay ang negosyante ng P10,000 ay pansamantalang iniwan ang suspek at dumulog kay Barangay Kagawad Benito Go, na nakakasakop sa lugar.

Gumitna umano ang kagawad at kinuwestiyon ang suspek hinggil sa pag-iinspeksiyon gayung walang search warrant na dala o kaugnay na dokumento para magtungo sa establisyemento. Nagpakita naman ng identification card ang suspek na siya ay NBI agent.

Nang makitang expired na ang ID na iprinisinta ng suspek ay dinala ito sa presinto.

Nagsagawa naman ng beripikasyon ang mga pulis at nadiskubre na peke ang ID at walang koneksiyon sa NBI ang suspek.

ANG

BARANGAY KAGAWAD BENITO GO

CRISTO ST. BINONDO

JOSEPH VILLAFRANCA

MALABON CITY

MANILA POLICE DISTRICT-POLICE

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SOCIEGO ST.

SUSPEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with