Sunog sa Pasay dahil sa nag-overheat na laptop
MANILA, Philippines – Apat na bahay ang natupok dahil sa nag-overheat na laptop kahapon ng hapon sa Pasay City.
Ayon kay Fire Inspector Christopher Pila, ng Pasay City Fire Department, ala-1:30 ng hapon nagsimulang sumiklab ang apoy sa bahay na pag-aari ni Presila Bascon sa #205 Pagasa St., Barangay 185 ng naturang lungsod sa may ikalawang palapag.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, dahil umano sa nag-overheat na laptop ang dahilan nang sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Alas-2:52 na ng hapon naapula ang apoy ng rumispondeng mga bumbero.
Wala namang napaulat na mga residenteng nasaktan sa insidente at inaalam pa kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala.
- Latest