‘No contact’ policy ibabalik sa EDSA
MANILA, Philippines - Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibalik ang “no contact policy” sa panghuhuli sa mga lalabag sa yellow lane scheme sa EDSA.
Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos, na sa halip na hulihin at tikitan ay kukunin na lamang ang plaka ng sa-sakyan at ihahatid sa bahay ang traffic violation receipt.
Para bawas abala anya ito sa mga motorista at ma-ging sa mga enforcer.
Paalala ni Carlos, ang yellow lane ay para lang sa mga bus. Kapag lumabas sa linyang ito ay huhulihin sila, samantalang ang pribadong behikulo naman na papasok dito ay huhulihin din.
Simula noong Lunes, Enero 18 ay mahigpit na ipinatupad ng MMDA ang yellow lane policy mula Shaw Boulevard, Mandaluyong City hanggang Guadalupe, Ma-kati City.
- Latest