^

Metro

MMDA handa na sa homecoming ni Pia

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 135 tauhan ng Me-tro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang idi-deploy dahil sa inaasahang trapik na idudulot sa isasagawang grand homecoming parade para kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Lunes (Enero 25).

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, asahang marami umanong gus­tong masilayan si Wurtz­bach dahil matagal ding pa­nahon ang lumipas bago muling nasungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe kaya malamang na magdudulot ito ng masikip na daloy ng trapiko.

Magtatalaga naman ng pitong motorcycle riding traffic enforcers na magsisilbing escort security ni Wurtzbach.

Nauna nang inabiso ng MMDA ang magiging ruta ng parada.

Mula sa Hotel Sofitel, kaliwa sa Atang Dela Rama Street; kanan sa Vicente Sotto St.; kaliwa sa F. Ma. Guerrero St.; kanan sa Bukaneg St.; kaliwa sa Roxas Boulevard; kaliwa sa Padre Burgos patungong Taft Ave.; kanan sa Finance Road; kanan saTaft Ave.; kanan sa Quirino Ave., kaliwa sa Roxas Boulevard; kaliwa sa Sen. Gil Puyat Ave.; kaliwa sa Ayala Ave.; U-turn sa Ayala-Makati Fire Station, patungo na sa Ayala Ave., hanggang Rustan’s na kung saan dito na magtatapos ang parada.

Payo ng MMDA sa mga motorista, na iwasan ang na­turang mga lugar upang huwag maabala at dumaan na lamang ang mga ito sa mga alternatibong ruta.

ACIRC

ANG

ATANG DELA RAMA STREET

AYALA AVE

AYALA-MAKATI FIRE STATION

BUKANEG ST.

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

FINANCE ROAD

GIL PUYAT AVE

NBSP

ROXAS BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with