^

Metro

Bangkay pinakialaman, tauhan ng CSF nasa ‘hot water’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paiimbestigahan nina Manila Action and Special Assignment (MASA) chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. at City Security Force  (CSF) chief, Capt. Jaime De Pedro ang ilang CSF na nakatalaga sa ospital na umano’y naki-alam sa isang bangkay ng babae na hindi pa naisasa­ilalim sa autopsy.

Ayon kay Irinco, hindi uma­no dapat na makialam  ang sinumang CSF sa usa­pin ng pagkuha ng bangkay o pagbibigay ng bangkay sa pune­rarya o kamag-anak ng walang pahintulot ng awtoridad.

Giit ni Irinco na seguridad lamang ng lugar ang da­pat na pinagtutuunan ng pansin ng mga CSF. Batay sa report  kabilang sa mga  iimbestigahan ay sina Alexis Aragon, Aquilino Catugas, Joel Buendia at Orlando Limpin. Ang mga ito ay pawang nakatalaga sa Mother and Child Hospital.

Lumilitaw na palaisipan sa Manila Police District-Ho­micide Section ang pag­­kamatay ni Robielyn Zozo­brado, 19, ng Sindangan Zam­boanga Del Norte na stay-in housemaid sa no 1701, 18th Floor China Plaza Condominium, Tambacan St. Sta. Cruz, Manila noong Enero 15, dakong alas-10:35 ng gabi.

Ayon kay MPD-Homicide chief, Sr. Insp. Rommel Anicete, bagama’t may teorya na sila sa pagkamatay ni  Zozobrado kailangan pa  rin ang  konkretong resulta kung saan manggagaling ang ebidensiya sa mismong bangkay.

Paliwanag ni Anicete kailangan na sumailalim sa autopsy ang bangkay dahil ito ay medico legal case. Ang medico legal case ay kinabibilangan ng gun shoo-ting, stabbing at mysterious circumstances.

Nabatid na nagtungo sina SPO3 Milbert Balinggan at SPO2 Charles John Dural sa Mother and Child Hospital kung saan kinakitaan ng mga sugat, pasa, bali sa  mga  binti at hita ang biktima. Sira din ang pantalon nito.

Matapos sa ospital ay nagtungo naman sa nasa­bing condominium sina  Balinggan at Dural upang magsagawa ng ocular inspection na sinundan din ni Anicete kung  kaya’t palaisipan kung paano namatay ang  biktima.

Muling bumalik sa nasa-bing ospital ang mga imbestigador at napag-alaman na ibinigay ang bangkay sa Henry Funeral ng walang  pahintulot ng pulis. Dito na kinuwestiyon ni Anicete ang naging desisyon ng CSF hanggang sa malaman nito (Anicete) na binalik ang bangkay sa ospital.

Sinabi ni Anicete na mahirap nang makuhanan ng  sampol ang biktima dahil contaminated na ang  bangkay at naiba na rin ang  puwesto nito sa  ospital.

Dagdag pa ni Anicete nais nilang malaman kung nanlaban ang biktima at kung  pinagsamantalahan ito base sa makukuhang ebidensiya sa kanyang katawan.

ACIRC

ALEXIS ARAGON

ANG

ANICETE

AQUILINO CATUGAS

AYON

BANGKAY

BERNABE IRINCO

CHARLES JOHN DURAL

NBSP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with