^

Metro

7 vintage bomb nahukay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong malalaking bom-ba na gamit sa kanyon at pina­niniwalaang nailibing noon pang World War II ang nahukay ng mga construction workers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa service road ng Roxas Boulevard northbound sa Malate, Maynila, kahapon ng hapon.

Unang inireport ito sa Manila Police District-station 5 dakong alas-3:00 ng hapon  na agad namang ipinaalam sa MPD-Explosive and Ordnance Division (EOD).

Dalawang beses nagtungo sa nasabing lugar sa Roxas Blvd, tapat ng Aristocrat Restaurant ang EOD team para kunin ang pitong  vintage bomb na  105 mm. projectile , o ang bahagi ng  bomba sa kanyon  na may sukat na 105 mm. ang diameter. Ang bahagi ng kaha o kanyon ay kinain na ng kalawang kaya’t ang pinakaulo o bomba na sumasabog kapag ibinuga ang siya na lamang natira.

Nabatid na nasa 4 na talampakan na ang nahukay ng mga construction worker para sa itatayong lamp post doon nang makita ang mga bomba.

Sa kasalukuyan ang uri ng bombang ito ay gamit pa rin umano ng military.

Ayon pa sa EOD, may ka­kayahan pang sumabog ang bomba kung ito ay tatamaan o mahahampas ng mabibigat na equipment tulad ng backhoe.

 

ACIRC

ANG

ARISTOCRAT RESTAURANT

AYON

DALAWANG

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MANILA POLICE DISTRICT

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

WORLD WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with