^

Metro

Quezon City jail sorpresang ginalugad

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasorpresa ang may 3,000 preso ng Quezon City Jail matapos na isagawa ang ‘‘Oplan Galugad’’ sa kanilang mga tarima na naglalayong kumpiskahin ang mga itinatago nilang mga kontrabando na iligal na naipasok sa piitan, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, ang ope­ras­­yon ay ginawa ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Jail Management and Peno­logy; Philippine Drug En­forcement Agency; at Anti-illegal Drug Group ng Philippine National Police.

Sabi ni QC Jail Officer In-Charge Insp. Floro Esperas, ganap na alas- 4 ng madaling araw nang isagawa ang ope­rasyon kung saan isa-isang pinalalabas ang mga preso sa kanilang mga tarima o selda,  tulad ng Sputnik Gang, Batang City Jail, Commando Gang at Bahala Na Gang, saka pinaghuhubad bago isinasailalim sa pagrekisa ng kanilang mga katawan.

Matapos ang body search ay pinahilera ang mga preso sa may labas ng kanilang selda, bago sinimulan ng mga operatiba ang paghalughog sa mga tarima ng mga ito kabilang ang K9 unit.

Sabi naman ni DILG under­secretary Peter Corvera, hindi lamang anya mga kontrobando ang target ng operasyon kundi ang mga sindikato na ayon sa kanyang nakalap na impormasyon ay nakakapag-operate pa sa loob ng piitan.

Ang nasabing QC jail ang pinaka-congested na piitan sa buong bansa na may 3,524 na preso na malaki ang kapasidad sa dapat sana ay nasa 600 na preso na kabuuan ng lugar.

ACIRC

ANG

BAHALA NA GANG

BATANG CITY JAIL

COMMANDO GANG

DRUG EN

DRUG GROUP

FLORO ESPERAS

JAIL OFFICER IN-CHARGE INSP

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with