‘One stop shop’ para sa mga tax payers, kukuha ng permits binuksan sa Makati City
MANILA, Philippines – Para mas maging kombin-yente sa mga kliyente, inukupahan ang buong ground floor na kontrobersiyal na Makati City Hall Building 2 para sa “one-stop shop system” na may kaugnayan sa transaksiyon ng renewal ng business permit at pagbabayad ng buwis.
Ayon kay Makati City Ma-yor Romulo “Kid” Peña, sa pamamagitan aniya ng “one-stop shop system,” magiging madali aniya ang transaksiyon, na tatagal lamang ng isa hanggang dalawang oras.
“The one-stop shop policy that we are implementing this year has eased the processes in the renewal of business permits and licenses. Since clients no longer need to go from one office to another, they are able to complete their transactions faster than before,” ani Peña.
Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga tax payer, na mag-renew na ng business permit at magbayad na ng buwis bago sumapit ang Enero 20 ng taong kasalukuyan para hindi aniya mapatawan ang mga ito ng penalty.
Nabatid, na ang ‘one-stop shop system’ ay bukas ng mula Enero 11 hanggang 29, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi kapag or-dinaryong araw.
Mula Enero 16 at 23, araw ng Sabado, bukas ito ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi, araw naman ng Linggo, Enero 17 at 24 bukas naman ito ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.
Sa Enero 30 at 31, bukas rin ng alas-8:00 pa rin ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.
- Latest