^

Metro

UP stude na mag-eenrol, iniulat na nawala

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang estudyan­te ng University of the Philippines (UP) Diliman sa lungsod Quezon ang patuloy na hinahanap matapos na mapa-ulat ang pagkawala noong Martes ng umaga, ayon sa ulat kahapon.

Ito ang nabatid matapos kumalat sa website na Facebook ang paghingi ng suporta ng isang Marissa Patawaran, tungkol sa pagkawala ng kanyang pamang­king si Ian Jasper Calalang, 18, freshman sa UP at residente sa Cainta Rizal, noong nakaraang Martes sa loob ng nasabing campus.

Base sa impormasyon, itineks pa umano ng estud­yan-te ang kanyang mga magulang noong Martes na nagsabing dumating na siya sa UP campus ng alas-8:30 ng umaga.

Lumabas  na ang naturang mensahe ang huling natanggap mula sa biktima. Sinikap din anya nilang tawagan ang cellphone nito, suba-lit ‘cannot be reached’ na ito. 

Hanggang sa ka­sa­lu­kuyan ay wala pa rin silang natatangap na ko­munikas-yon sa biktima.

Sinabi ni Patawaran, nang magtungo ang pamang­kin sa UP ay may dala itong pera na nagkakahalaga ng P35,000 na pangpa-enroll.

Nagtungo na rin anya ang mga magulang ni Calalang sa UP para magpa-blotter sa UP police at sa Anonas Police Station 9 para makatulong   sa paghahanap dito.

Dahil dito, nakikiusap ang pamilya sa sinumang naka­kaalam o nakakita kay Ian ay agad na ipagbigay alam sa kanila sa pamamagitan ng cellphone no. 0932-222-0864; at 09173390488.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANONAS POLICE STATION

CAINTA RIZAL

CALALANG

DAHIL

DILIMAN

IAN JASPER CALALANG

MARISSA PATAWARAN

SHY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with