^

Metro

134 estudyante sa Makati isinugod sa ospital

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi bababa sa 134 estudyante ng  Pio del Pilar Elementary School ang dinala sa ospital matapos umanong malason sa biniling pagkain sa canteen ngayong Huwebes.

Sinabi ni Makati City spokesman Gilberto delos Reyes na 44 estudyante ang isinugod sa Ospital ng Makati (OsMak) habanh ang iba pa ay sa Palanan Health Center.

Pawang nasa Grade 4, Grade 5 at Grade 6 ang mga biktima.

Isinugod sa ospital ang mga estudyante matapos ang pagsusuka at pananakit ng tyan.

Ayon pa kay Delos Reyes ay bandang 9:30 ng umaga nangyari ang insidente matapos bumili ng pagkain ang mga estudyante para sa kanilang recess.

Hindi pa naman matukoy ni Dr. Janina Bianca ng OsMak kung ano ang pagkaing nakalason sa mga estudyante.

Nagpakuha na rin ng food samples si Ortiz sa canteen upang isailalim sa laboratory examination.

Samantala, binisita ni Makati Mayor Romulo Peña ang mga biktima at tiniyak sa mga magulang na ang pamahalaang lokal ang magbabayad ng hospital bills.
 

ANG

ATILDE

AYON

DELOS REYES

DR. JANINA BIANCA

GILBERTO

HUWEBES

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR ROMULO PE

PALANAN HEALTH CENTER

PILAR ELEMENTARY SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with