^

Metro

Matapos ang 13-taon pagtatago killer ng asawa ng PSN reporter, natimbog na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natimbog na ng mga elemento ng PNP Region 3 Bulacan Provincial Investigation Bureau ang suspek sa pagpaslang sa asawa ng reporter ng PSN ma­karaan ang 13 taon pagtatago sa batas .

Ang suspek na si Rodrigo Cruz, 70, ng Brgy. Parulan, Plaridel, Bulacan ay nahuli ng grupo ni SPO3 Rosauro M. Correa, team leader ng PIB Bulacan sa Brgy. Pagala, Baliuag, Bulacan.

Ang naturang suspek ang nasa likod ng pagpatay kay Alexander dela Cruz, asawa ni PSN reporter Angie dela Cruz.

Nang mahuli, agad namang naiturn over ng mga pulis sa pamumuno ni Supt. Frankie Candelario Acting PIB, PNP Malolos, Bulacan ang suspek sa QC court kung saan dito nakasampa ang kasong murder ng suspek.

October 11, 2002 nang patayin ni Cruz si Alexander dela Cruz sa Jacinto St., Brgy. Doña Aurora sa lungsod dahil lamang sa away sa parking.

Ang kasong murder ni Cruz ay naka­sampa sa sala ni QC RTC Judge Madonna Echiverri. Itinakda nito ang pagdinig sa kaso sa February 2, 2016.

Bago ang pagpatay ni Cruz kay Alexander, nakasuhan muna ang una ng huli ng attempted murder noong 2001. Dito nag-ugat ang alitan ng dalawa sa away sa parking at makaraan ang isang taon ay tuluyan nang pinaslang ni Cruz ang biktima.

ACIRC

ANG

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL INVESTIGATION BUREAU

CRUZ

FRANKIE CANDELARIO ACTING

JACINTO ST.

JUDGE MADONNA ECHIVERRI

RODRIGO CRUZ

ROSAURO M

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with