^

Metro

Drug den ni-raid: 4 arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ni-raid ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang bahay na umano’y ginagawang pugad ng iligal na droga at iligal na pasugalang video ka-rera kung saan nadakip ang apat katao sa aktong bumabatak ng shabu, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng QCPD-Anti Ille­gal Drugs Special Ope­ration Task Group, ang mga suspect ay kinilalang sina Richard Ignacio; Charlie Garcia, Manolito Sanchez, at Eric Resera, pawang mga residente sa Brgy. San Jose sa lungsod.

Sabi ni Figueroa, isi­nagawa nila ang ope­rasyon bunga ng impormasyong ibinahagi sa kanila ng ilang mga concerned citizen kaugnay sa isang bahay na matatagpuan sa G. Roxas St. sa nabanggit na barangay na ginagawang drug den at pasugalan.

Dahil dito, agad silang nagsagawa ng surveillance at nang makumpirma ay saka nila inihanda  ang isang operasyon.

Sinasabing ang unang palapag ng nasabing bahay ay ang pa-sugalan ng video karera habang ang ikalawang palapag ay batakan ng shabu.

ACIRC

ANG

ANTI ILLE

CHARLIE GARCIA

CHIEF INSP

DRUGS SPECIAL OPE

ENRICO FIGUEROA

ERIC RESERA

MANOLITO SANCHEZ

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD IGNACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with