^

Metro

Bagatsing, suportado ng mga Muslim

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – “The best among the rest!”

Ganito isinalarawan ng gru­po ng mga kapatid na Muslim sa lungsod ng Maynila si 5th District Congress­man Amado S. Bagatsing nang pormal na ihayag ng mga ito ang kanilang pagsuporta at pag-endorso sa kongresista sa kanyang pagtakbo bilang Alkalde ng lungsod ngayong 2016 election

Ayon kay Engineer Manuel Diria, Chairman at Presidente ng grupong Alyansang Aakbay sa Makabagong Tagumpay Inc., (ALAMAT) isang grupo na nakapailalim ang may halos 80 grupo ng mga Muslim sa Maynila partikular mula sa Baseco, San  Andres Bukid, San Andres Malate, at Quiapo, “Pinilit namin si Congressman Amado Bagatsing sa pagpipiliang tatlo dahil sa nakikita namin ay siya lang ang may seryosong programa  para sa mamamayan ng Maynila, kamukha ng KABAKA, na hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Manilenyo ay maraming kasapi. At nakikita po namin na ang lumalalang peace and order sa Maynila ay tanging si Cong. Bagatsing lamang ang siyang pinaka susi para maayos ito” pahayag ni Diria.  Bukod rito, iginiit din nito na iisa umano ang naging boses ng mga kapatid na Muslim sa lungsod sa paniniwalang hindi bibigyan ng importansya at pansin ang hanay ng mga Muslim sa lungsod sa administrasyon ni da-ting Mayor Alfredo Lim at kasalukuyang Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Samantala, pinasalamatan naman ni Bagatsing ang mga Muslim sa lungsod sa ginawang suporta at pag-i-endorso ng mga ito sa kanyang prog­rama at kandidatura para sa pagka-alkalde ng Maynila.

“Akoy nagagalak sa supor-ta at tiwala ibinigay sa akin ng    ating mga kapatid na Muslim dito sa lungsod ng Maynila.

Sabi ko nga sa kanila ay sama-sama tayong gumawa ng alamat sa Maynila, sapagkat sa laban na ito, ang mensahe sa buong Pilipinas ay very discriminating at intelehente ang mga Manilenyo at sa kabila ng wala tayong resources tulad ng resources ng mga kalaban ko at sinasabing pera-pera lang yan, nakikita natin na magpipili tayo ng may ‘programa’ at isang puro ‘pera’.

‘‘Ang aming ino-offer sa  mga mamamayan ng Maynila ay program for the last 30 years. At yung huling itinayo namin ay  ang KABAKA clinic, wala pong bayad yan, hindim naman po ako mayor, pero nakakapagbigay tayo ng libreng gamot, libreng ultrasound, blood chemistry, 2d echo, libreng ECG’’, dagdag pa ni Bagatsing.

ACIRC

ALYANSANG AAKBAY

AMADO S

ANDRES BUKID

ANG

BAGATSING

CONGRESSMAN AMADO BAGATSING

DISTRICT CONGRESS

MAYNILA

MGA

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with