^

Metro

Dahil sa paglihis ng ruta, ika-409 Traslacion umabot ng mahigit 20 oras

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasado alas 2:00 na ng madaling araw kahapon nang tuluyang maipasok sa Minor Basilica Church sa Quiapo ang Poong Itim na Nazareno kahapon na uma­bot ng 20 oras at 41 minuto dahil umano sa hindi nasunod na itinakdang ruta, ayon sa Manila Police District (MPD).

Gayunman, pagkalaha­tang naging mapayapa na- man ang pagdiriwang na di-na­luhan ng  may 1.5 mil­yong deboto na posibleng mas higit pa ang bilang kung isasama ang mga nagtungo sa paha­lik na sinimulan ng Enero 8 alas-6:00 ng hapon sa Lune­ta Grandstand at sa mga nag-aabang lamang sa mga daraanang ruta at pali-gid ng Quiapo.

Nabatid na noong nakalipas na taon  (Enero  9, 2015) ay umabot lamang sa 19 na oras ang pagtatapos ng prusisyon,  taong 2014 ay 10 na oras din at 2013 ay nasa 18 oras  at noong taong 2012 ay mahigit 22 oras.

Nagpasalamat naman   si MPD Director Chief Supt. Rolando Nana at na-ging maayos ang pagdaraos ba­gamat nalungkot din sa dala­wang lalaki na naitalang namatay kaugnay sa Traslacion gayundin si Monsignor Hernando Coronel, rector ng Basilica Minore ng Nazareno, sa mga debotong nakiisa sa taunang Traslacion, mga volunteers, iba pang organi­sasyon at mga awtoridad  tumulong  para maging maa-yos ang taunang Translacion.

Sa paliwanag naman ni Plaza Miranda Police Community Precinct commander C/Insp. John Guiagi ng Plaza Miranda Police Community Precinct, inilihis ng ilang nakipasan ng Andas patungo sa tradisyunal na ruta ang Traslacion.

Sa halip umano na dumi­retso ng Quezon Boulevard at kumanan sa Arlegui mula Globo del Oro, mula sa Que­­zon Blvd. ay kumaliwa na ang andas patungong Gunaw Street, saka kuma­nan sa Arlegui.

Ito umano ang dahilan kung bakit inabot sa mahigit na 20 oras  ang prusisyon na una nang pinaikli ang ruta para mabilis na makabalik sa Simbahan ng Quiapo ang Poon ng Itim na Nazareno.

Nasawi ang debotong si Alex Fullido, 27 ng Blumentritt. Sampaloc, Maynila dahil sa sobrang pagod na inatake sa puso matapos ang seizure at idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila at ang 58-anyos na si Mauro Arabit, candle vendor naman ng Binangonan, Rizal na dead- on-arrival naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Noong nakalipas na taon (Enero 9, 2015) ay dalawa rin ang namatay sa kasagsagan ng Traslacion na sina Renato Gurion, residente ng Sampaloc, Maynila, na may limang­taon na umanong official escort o miyembro ng Hijos Del Nazareno na dead- on-arrival sa Manila Doctor’s Hospital nang atakehin sa puso matapos maipit ng mga deboto at isang ’di kilalang lalaki na hinimatay at nata-pak-tapakan.

ACIRC

ALEX FULLIDO

ANG

ARLEGUI

ENERO

MAYNILA

NAZARENO

NBSP

PLAZA MIRANDA POLICE COMMUNITY PRECINCT

SHY

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with