^

Metro

Video recording sa mga police checkpoint, pinaboran

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Northern Police District (NPD) ang mga motorista na magsaga­wa ng ‘video recording’ sa mga ikakasang police checkpoints kaugnay ng pag-uum-pisa ng election gun ban.

Sinabi ni NPD acting Public Information Officer, Supt. Ariel Fulo na isa ito sa pinalalawak na panun­tu­nan ng Philippine Natio­nal Police (PNP) upang ma­­ti­yak ang legalidad ng mga checkpoints at para maban­tayan ang publiko sa posib­leng mga pag-abuso.

Umpisa alas-12 ng madaling araw, sinabi ni Fulo na maglalagay na ng magkakahiwalay na checkpoints ang kanilang puwersa laban sa mga iligal na armas partikular sa mga lugar na kilalang mataas ang antas ng krimen.

Tiniyak naman ng opisyal na susunod sila sa “operating procedures” sa pagsa­sagawa ng checkpoints na dapat ay nasa maliwanag na lugar, may mga sapat na “signages”, nasa tamang uniporme at magagalang ang mga pulis na magmamando nito.

Nararapat umano na ipagbigay-alam agad ng motorista kung may nagaganap na pag-abuso sa mga alagad ng batas o kaya ay kunan ng video ang proseso ng pagsita sa kanila bilang ebidensya sa magkabilang panig.

Hindi umano pinapayagan ang mga pulis na pababain ang sakay ng mga kotse at buksan ang compartment kung walang pahintulot sa may-ari ng sasakyan. Ipinatutupad din ito maging sa mga nakamotorsiklo.

Samantala, paiigtingin din umano ng NPD ang pag­hahabol sa mga “loose firearms” sa distrito sa pama-magitan ng “Oplan Lambat Sibat” habang sa panig ng mga pulis, tanging mga unipormado at naka-duty ang pinapayagan na magdala ng baril.

ACIRC

ANG

ARIEL FULO

FULO

HINIKAYAT

MGA

NORTHERN POLICE DISTRICT

OPLAN LAMBAT SIBAT

PHILIPPINE NATIO

PUBLIC INFORMATION OFFICER

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with