231 drug dependents sa Makati, sumailalim sa rehab
MANILA, Philippines – Nasa 231 drug dependents na ang sumailalim sa rehabilitasyon kaugnay sa mahigpit na kampanya ng Makati Anti Drug Abuse Council (MADAC) kontra droga.
Ito ang report na isinumite kahapon ni MADAC chief, Police Supt. Jaime Santos kay Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña.
Nabatid na ang pamahalaang lungsod ang sumasagot sa gastusin ng rehabilitasyon para sa mga pasyenteng indigent lamang.
Kung saan nagsasagawa rin ng counseling ang naturang tanggapan para matulungan ang pasyente na malabanan ang pagkalulong sa droga.
Inatasan ni Peña ang MADAC, na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maging drug-free ang mga komunidad sa lungsod.
Ikinatuwa ng alkalde ang mahigpit na kampanya ng MADAC kontra droga, dahil sa tumaas ang bilang ng mga nahuhuli at sumasailalim sa rehabilitasyon.
Sa record ng MADAC, nasa 231 na mga drug dependents ang ginagamot sa ibat-ibang rehabilitation center sa Metro Manila.
- Latest