Trike driver inutas ng pasahero
MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin sa hindi pa mabatid na dahilan ng kanyang pasahero, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ang 53-anyos na si Danilo Amparado, ng Kamagong St., Brgy. 165 Bagbaguin, ng naturang lungsod. Nakatakas naman ang hindi nakilalang salarin.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nabatid na nagpahatid ang salarin sa biktima sa may Ciudad Grande sa naturang barangay dakong alas-10 ng gabi.
Nang mapadako sa madilim na bahagi ng Ciudad Grande, pinahinto ng salarin ang tricycle saka nagbunot ng baril at dalawang beses na pinaputukan ang biktima ng malapitan.
Blangko naman ang mga imbestigador sa motibo sa naturang pamamaslang.
- Latest