^

Metro

3 miyembro ng ‘Sarimos drug group’, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng ‘Sarimos Drug Group’ at isang alalay­ nila na nag-ooperate sa Cavite City ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na isagawa ang isang buy-bust operation laban sa kanila sa nasabing lungsod, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. ang mga suspect na sina Louiver Sarimos, 35; Joel Sarimos, 34; at Froilan Cajuday, 40, mga orihinal na miyembro ng grupo at residente ng Paliparan, Dasma­riñas City, Cavite. Habang ang isa pang suspect ay kinila­lang si Gary Gatil, 41, ng Maguyam, Silang, Cavite.

Ayon kay Cacdac, ang operasyon ay ginawa ng mga tropa­ ng PDEA Regional Office 4A sa may bisinidad ng Tierra­ Bonita, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspect, alas-4 ng hapon. Sinasabing nagkunwaring bibili ng droga ang mga ope­ratiba sa mga suspect na naging ugat ng kanilang pagkakadakip.

Nasamsam sa mga suspect ang 100 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P250,000. Ang mga suspect ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, or the Comprehensive Dange­rous Act of 2002, habang nakapiit sa PDEA RO4A.

ACIRC

ANG

ATILDE

CACDAC JR.

CAVITE

CAVITE CITY

COMPREHENSIVE DANGE

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG GROUP

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with