^

Metro

Aberya sa MRT: 2 nagsuntukan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dala marahil ng init ng ulo matapos na muling mag­ka-aberya ang Metro Rail Transit (MRT) at itigil ang ope­­rasyon nito, kahapon ng umaga, dalawang lalaking­ mananakay nito ang nagsuntukan matapos na magkagirian sa pagsakay ng pam­pasaherong bus sa lung­­sod Quezon.

Ayon sa ulat, nagmistulang boxing ring na pinapanood ng maraming disma­yadong commuters ng MRT ang pagsusuntukan ng dalawang lalaki bunga ng palitan ng mga ito ng mga sipa at suntok sa gitna ng kalye ng North Avenue, Edsa Quezon City.

Gayunman, agad namang­ naawat ng mga nagmamandong miyembro ng Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) enforcer ang na­sabing mga lalaki saka sila kapwa pinayapa suma­kay ng pampasaherong bus, pa­­tungo sa kanilang destinasyon.

Sinasabing nag-ugat ang suntukan ng dalawang la­laki nang magkagitgitan ang mga ito sa pagsakay sa isang pampasaherong bus sa nasabing lugar, matapos na itigil ang operasyon ng MRT-3.

Ang nasabing mga lalaki ay kabilang sa daang commuters ng MRT-3 na nadismaya sa nasabing pagtigil ng operasyon nito at nag­pas­yang sumakay na lang ng pampasaherong bus para ma­karating sa kanilang pupuntahan.

Dahil sa dami ng mga taong gustong sumakay ng bus, nagkasagian ang dalawang lalaki nang mag-una­han sa pagsakay ang mga ito sa isang bus hanggang sa magkasagutan at mauwi ito sa hamunan ng suntukan.

Base sa ulat, muling tu­migil ang operasyon ng MRT-3 matapos na magka-aberya ito dahil sa umano’y technical problems.

Dahil dito, napilitang sumakay na lang ng bus ang daang pasahero nito sanhi para maipon ang mga ito sa Edsa sa paghihintay ng ma­­sasakyang bus. Ganap na alas-7:10 ng umaga nang muling bumalik sa operas­yon ang nasabing tren.

ACIRC

ANG

AYON

BUS

DAHIL

EDSA QUEZON CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHO

METRO RAIL TRANSIT

MGA

NORTH AVENUE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with