^

Metro

600 street sweeper sasabak sa Traslacion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumuo kahapon ang pamahalaan ng Maynila ng malaking puwersa ng mga street sweepers na maglilinis at magliligpit sa mga lugar kung saan daraan ang prusisyon at Traslacion ng Itim na Poong Nazareno.

 Ayon kay Engr. Rafael Borromeo, hepe ng Task Force Manila Clean Up, magpapakalat sila ng 600 taga-linis sa iba’t ibang lugar upang siguruhin ang kalinisan ng kahabaan ng pitong kilo­metrong ruta ng Traslacion bago at matapos ang prusisyon.

Sinabi ni Borromeo, ang 100 dito ay maglili­nis ng kalsada bago ang pagsisimula ng prusis­yon upang siguruhing walang mga bubog, bar­beque sticks, bato at iba pang basura na maaa-ring makasugat sa mga naka-yapak na debotong maglalakad kasama ng andas.

Ang 100 sweepers na­man ang naka-toka sa paglilinis ng Quirino Grandstand na siyang pagdarausan ng “pahalik,” overnight vigil at misa.

 Ang 100 pang tagalinis ang naka-puwesto sa Plaza Miranda, samantalang ang 300 ang siyang maglilinis ng dinaanang kalsada ng Traslacion.

 Maglalagay din anya ng 300 portalets ang pamahalaan ng Maynila sa iba’t ibang lugar ng Traslacion.

 

ACIRC

ANG

AYON

BORROMEO

MAYNILA

PLAZA MIRANDA

POONG NAZARENO

QUIRINO GRANDSTAND

RAFAEL BORROMEO

TASK FORCE MANILA CLEAN UP

TRASLACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with