Estudyante ipit ang paa, 1 pa sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa QC
MANILA, Philippines – Dalawang estudyante ang sugatan matapos banggain ang kanilang sinasakyang school service sa lungsod ng Quezon ngayong Miyerkules ng umaga.
Papasok sana ang mga estudyante sa St. Theresa’s College nang biglang salpukin ng rumaragasang trak ang likuran ng kanilang service.
Dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa Mindanao avenue at sa malakas na bangga sa likuran ay naipit ang service ng isa pang trak sa kanilang harapan.
Sa lakas ng pagbangga ay naipit ang paa ng isang walong-taong gulang na estudyante na nakaupo sa harapan. Sugatan naman ang isa pa niyang kasama.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property and multiple physical injuries ang driver ng trailer truck na si Romeo Daz.
Iginiit naman ni Daz na hindi mabilis ang kaniyang pagpapatakbo ng trak at sinabing pababa kasi ang kalsada.
- Latest