^

Metro

Kapasidad ng MRT-3, tataas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tataas ng hanggang 67% ang kapasidad ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa sandaling maging ope­rational nang lahat ang 48 bagong light rail vehicles (LRVs) na binili ng pamahalaan mula sa China.

Ayon kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya, magagamit na ang unang tatlong train coaches na dumating sa bansa noong Disyembre ngayong unang bahagi ng taong 2016.

Gayunman, bago aniya ito tuluyang ibiyahe  ay nais lamang munang matiyak ng pamahalaan na ligtas at episyente ang mga ito, sa pamamagitan nang pagsasagawa ng ilang serye  ng pagsusuri at test run hanggang sa Pebrero.

Sa ngayon aniya ay hinihintay pa nila ang pagda-ting ng consultant ng Dalian Locomotive, ang kompanyang pinagbilhan ng mga bagon, bago isagawa ang test run.

Batay sa timeline ng DOTC, inaasahang dara-ting sa bansa ngayong Enero o Pebrero ang tatlo pang LRVs.

Pagsapit naman ng Mar­so, inaasahang makapag­de-deliver sa bansa ang apat na LRVs kada buwan hanggang sa makumpleto na ang 48 bagong bagon, bago matapos ang taon.

ACIRC

ANG

AYON

BATAY

DALIAN LOCOMOTIVE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DISYEMBRE

ENERO

METRO RAIL TRANSIT

PEBRERO

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with