^

Metro

Kelot kinatay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang lalaki na pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Pasong Putik sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD) nakilala ang biktima na si Obren Cacdac, walang trabaho, may live-in partner ng 47-5,BAC 1-11, Don Carlos Village, Pasay City. Ayon sa pulisya, ang biktima ay nadiskubre ng isang residente alas 3 ng madaling araw sa may Block 30, Lot 11, Bounga­villa St., Barangay Pasong Putik sa lungsod. Sa pahayag ng isang Lanie Abogado, nagising siya dahil sa komosyon mula sa labas ng  bahay.

Nang kanyang silipin ay nakita na lamang niyang walang buhay ang biktima habang naliligo sa sarili nitong dugo.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na si Cacdac ay huling nakitang buhay noong Jan 2, 2016 ng kanyang kinakasamang si Chanda Pederio, ganap na alas 11 ng gabi, bago nagpa-alam na magpupunta sa Fairview.

Narekober sa crime scene ng otoridad ang isang Samsung cellphone na pag-aari ng biktima kung kaya’t ipinalalagay na hindi holdap ang motibo ng pamamaslang.

Sa cursory examination sa katawan ng biktima ay lumabas na nagtamo ito ng mutliple stab wounds sa kanyang buong katawan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY PASONG PUTIK

BOUNGA

CHANDA PEDERIO

DON CARLOS VILLAGE

LANIE ABOGADO

OBREN CACDAC

PASAY CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with