^

Metro

Bebot hinataw ng air gun sa ulo, todas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae makaraan umanong kursunadahing pagpapaluin ng air gun sa ulo ng isang lalaki sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ni PO2 Marlon dela Vega, may hawak ng kaso, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU)  ang biktima ay nangangalakal ng ba­sura sa kalye  kaya’t walang sinumang nakakakilala rito.

Gayunman, agad na­mang nadakip ang suspect na kinilalang si Mac Kevin Gutierrez, 22, walang trabaho ng Barangay San Juan Morong Rizal.

Base sa imbestigasyon ni Dela Vega, nangyari ang insidente sa may harap ng Edsa Toyota na matatagpuan sa may 1010 Edsa, Brgy. Ramon Magsaysay sa lungsod, ganap na alas 7:30 Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng mga  guwardiya ng Edsa Toyota na sina Joan Canete, Dennis Depala, at Richard Landag, kasalukuyan silang naka-duty nang makita ang suspect na may bitbit na air gun at  bigla na lamang pinaghahataw  sa ulo ang  biktima.

Agad namang ipinagbigay alam ng tatlong sekyu ang insidente sa barangay na agad namang rumes­ponde sa lugar at inabutan ang suspect na hawak pa ang air gun saka inaresto.

Isinugod naman sa Quezon City General Hospital ang biktima subalit binawian  din ng  buhay habang inoobserbahan ganap na alas 5:45 Sabado ng umaga.

Samantala,  sinabi ni Dela Vega,  na hindi  naman sila pinayagan ng ospital na magsagawa ng cursory examination sa bangkay ng biktima kung kaya hindi nila matukoy kung ano ang tunay na mga natamong injury ng huli.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspect.

ACIRC

ANG

BARANGAY SAN JUAN MORONG RIZAL

DELA VEGA

DENNIS DEPALA

EDSA TOYOTA

JOAN CANETE

MAC KEVIN GUTIERREZ

NBSP

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with