^

Metro

‘Discipline zone’ sa buong Maynila idineklara ni Erap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idineklara kahapon ni Mayor Joseph Estra­da na ‘‘discipline zone’’ ang lansangan sa buong Maynila at hindi lang tuwing Pasko kundi sa buong taon at hindi lang sa Divisoria kung saan ay libu-libo ang namimili taun-taon.

Sinabi ni Estrada na pinagsusumikapan  niyang pagaanin ang daloy ng trapiko sa sampung ‘hotspots’ o mga lugar na kilalang-kilala dahil sa kasikipan ng trapiko gaya ng Blumen­tritt area, Reina Re­gente, Soler, Abad Santos, Antonio Rivera, Juan Luna, Narra, Plaza Ruiz at Sta. Elena areas.

Ang lahat ng mga manininda, motorista, commuters, pedestrians at lahat ng gumagamit ng mga lansangan ay kinakailangang sumunod sa mga batas at ordinansa at kailangang maging disiplinado kahit na walang nagbabantay sa kanila, ayon kay Estrada.

“The whole of Manila is a Discipline Zone. Itong lahat ay Discipline Zone kaya dapat sila ay sumunod sa batas,” pinagdiinan ni Estrada.

Ang Divisoria ay nakilala bilang “Pamban­sang Palengke” kung saan malaking bilang ng mga tao ang bumibisita para mamili ng kanilang pangangailangan sa panahon ng kapaskuhan, at pati na rin tuwing magbubukas ang mga eskwela at iba pang okasyon.

Si Estrada ay nauna nang naglunsad ng kanyang ‘discipline zones’ sa kahabaan ng Recto Avenue patu­ngong Divisoria kung saan mayroon ngayong mahigpit na pagsunod sa ordinansa at batas trapiko na ipinapatupad ng Task Force on Orga-nized Vending (TFOV).

Ang Discipline Zone team ay magsisiguro na ang daloy ng trapiko ay hindi mababarahan ng mga illegal vendors, illegally-parked vehicles, mga tumatawid sa kalsada imbes sa footbridge, illegal na terminal ng jeep, tricycle at pedicab at iba pang maaaring maging sanhi ng pagkaabala, ayon sa alkalde.

ABAD SANTOS

ACIRC

ANG

ANG DISCIPLINE ZONE

ANG DIVISORIA

ANTONIO RIVERA

DISCIPLINE ZONE

DIVISORIA

JUAN LUNA

MAYOR JOSEPH ESTRA

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with