100 CCTV ikinabit sa Bilibid
MANILA, Philippines – Kinabitan ng nasa 100 closed-circuit television (CCTV) camera ng Bureau of Corrections (BuCor) ang loob ng New Bilibid Prisons (NBP) bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.
Ayon kay BuCor Dir. Rainier Cruz III, inilagay ito sa mga strategic area upang ma-monitor ang galaw ng mga preso kahit araw o gabi.
Makakatulong din umano ito para sa pagtukoy kung sino ang mga nasa likod ng pagpasok ng mga kontrabando sa loob ng national penitentiary.
Magugunitang kamakalawa ay panibagong mga cellphone, TV, DVD, armas, cash at mga manok ang nakumpiska sa isinagawang ika-10 “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng BuCor.
Bukod sa paggalugad sa Maximum Security Compound, giniba na rin ang kubol ng notorious carjack leader na si Raymond Dominguez na nagmistulang hardware matapos makakuha ng mga saku-sakong buhangin, graba at bakal. Nakakumpiska rin dito ng drug paraphernalia ang mga otoridad.
- Latest