^

Metro

Trapik sa Makati, asahan bukas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Asahan ang matinding trapik dahil isasara ang ilang pangunahing lansangan sa lungsod ng Makati bukas (Disyembre 31) upang bigyan daan ang idaraos na ‘Shout! Makati New Year’s Eve Countdown’ sa University (UMAK) of Makati Track & Field Oval.

Sa abiso kahapon ng Information Community Relation Department (ICRD) ng Ma­kati City Hall, nabatid na simula alas-2:00 ng hapon ng Disyembre 31, 2015 hanggang alas-2:00 ng madaling-araw ng Enero 1, 2016, isasara sa mga motorista ang kaha­baan ng J.P. Rizal Extension, mula Lawton Avenue hanggang Buting.

Tanging ang mga residente lamang sa Barangay West Rembo at Barangay East Rembo, ang papayagang makadaan dito at kikilalanin pa ito ng Bantay Bayan personnel para tiyakin kung talagang nakatira sila sa nabanggit na mga lugar.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta.

Nabatid na ang ibang mga behikulo ay maaring dumaan  ng Kalayaan Avenue papuntang C-5 Road at Buting.

Ang mga sasakyan namang magmu­mula ng Guadalupe/EDSA ay pinapayuhang kumanan sa Lawton Avenue, kaliwa ng Ka­layaaan Avenue at kanan ng C-5 Road patungong destinasyon (southbound) o kaya’y dumaan sa elevated U-turn at  kanan patu­ngong  Buting at Pateros o kaya’t dumiretso patungong Pasig (northbound).

Ang mga sasakyan naman na magtutu­ngo ng Guadalupe/EDSA ay maaring dumaan sa Kalayaan Avenue via elevated U-turn at kanan  ng Lawton Avenue, kaliwa ng  Guadalupe, patungong destinasyon.

Tanging ang mga sasakyan lamang na may car pass ang papasukin sa UMAK at Makati Park and Garden.

Samantala, ipapatupad ang one-side parking sa kahabaan ng J.P. Rizal Extension (UMAK side).

ACIRC

ANG

BANTAY BAYAN

BARANGAY EAST REMBO

BARANGAY WEST REMBO

BUTING

GUADALUPE

KALAYAAN AVENUE

LAWTON AVENUE

MGA

RIZAL EXTENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->