^

Metro

MTPB, MDTEU paluluwagin ang kalye sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paluluwagin ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga kalye sa lungsod sa susunod na  taon.

Ayon  kay MTPB Director Carter Don Logica, sisikapin nilang  malinis at mapaluwag ang kalsada sa  lungsod sa pagsisimula ng taon upang  mas maging madali  para sa mga motorista.

Sinabi ni Logica na kaila­ngan muna nilang intindihin ang sitwasyon ng trapiko sa lungsod dahil Yuletide Season subalit minomonitor pa rin nila ang daloy nito.

Sa katunayan ay nagpapakalat pa rin sila ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar kung saan dumadagsa ang mga mamimili.

Katuwang nila dito ang mga tauhan ng MDTEU sa pamumuno ni Chief Insp. Olive Sagsaysay.

Kasabay nito, umapela din si Logica sa mga driver na huwag maging pasaway at ma­ging disiplinado sa kalsada.

Kadalasang nangyayari na ang kawalang disiplina ng mga motorista ang siyang nagiging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

ACIRC

ANG

AYON

CHIEF INSP

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

LOGICA

MANILA DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MGA

OLIVE SAGSAYSAY

YULETIDE SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with