^

Metro

Tapat na taxi driver, kinilala ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil mahal ang pamilya kahit kapos sa buhay, isinaoli ng isang taxi driver ang naiwang pera ng kanyang pasahero  sa loob ng kanyang minamanehong sasakyan na umaabot sa P300,000.

Sa kanyang ulat sa punong tanggapan ng Land Transportation Franchi­sing Regulatory Board sa QC, sinabi ni Atty. Jose Marie  Lamparero, legal council ng LTFRB Ilo­ilo, naiwan ng isang pasahero ang pera sa Light of Glory taxi na minamaneho ni Ancelmo Nava  matapos na maghatid ng pasahero sa airport nitong December 18.

Kuwento  ni Lamparero na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsoli ng naiwan na gamit at pera si Nava na naiiwan sa minamaneho nitong taxi.
Anya, una nang nagsoli ng laptop at P80,000 si Nava sa kanyang operator na si Atty. Joseph Vincent Go na siya namang nakipag- ugnayan  para maibalik sa may-ari ang naiwang salapi at gamit.

Bilang pagkilala, agad na nagpadala ng P10,000  si LTFRB boardmember Ariel Inton sa kanilang tanggapan sa iloilo upang ibigay sa una bilang pabuya sa katapatan nito sa kanyang trabaho.

Bukod pa umano sa ibibigay na pera ni Inton ay may pabuyang pera din ang LTFRB Iloilo sa taxi driver.

Umapela naman si Inton sa  mga tsuper sa  buong bansa na ma­ging halimbawa sana nila si Nava  upang maalis ang masamang imahe ng ibang  tsuper ng taxi na sinasabing arogante, bastos at walang pasubali sa kanilang mga pasahero.

ACIRC

ANCELMO NAVA

ANG

ARIEL INTON

INTON

JOSE MARIE

JOSEPH VINCENT GO

LAMPARERO

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

NAVA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with