^

Metro

Ginang timbog sa bitbit na fetus habang namamasko

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang ginang ang dinampot ng pulisya matapos na makuhanan ito ng isang lala-king fetus na dinadala niya habang nanghihingi ng pamasko sa mga residente sa kahabaan ng Mother Ignacia Avenue, sa lungsod Quezon.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 10, ang ginang ay nakilalang si Ernesta Mercare, isang Badjao na lumuwas lamang ng Metro Manila para manghingi ng Pamasko.

Ayon sa ulat ni PO2 Virginia Balbernoa, ng PS10, si Mercare ay dinampot ng Barangay South Triangle sa pamu­muno ni Pamela Maracha sa may kaha­baan ng Mother Ignacia Avenue, kanto ng Sct. Borromeo, ganap na alas-10 ng umaga.

Isinagawa ang operasyon makaraang makarating sa kaalaman ng barangay na umano’y isang ginang na may kasama pang ibang miyembro ng Badjao ang may bitbit ng fetus habang nanghihingi ng pamasko sa nasabing kalye.

Ang fetus na nakuha sa ginang ay na­ngangamoy na dahil sa naagnas na ito habang nakabalot sa papel at nakalagay sa loob ng isang platic box. Sinasabing ipinapakita anya ng ginang ang fetus sa bawat taong hinihingan nito ng pamasko o limos.

 Sabi ng isang social worker, pinalalagay anya ng mga Badjao na tulad ng ginang na suwerte sa kanila ang may dalang fetus kung kaya hindi nila ito itinapon, pero maaaring magdulot ng masama sa kanilang kalusugan lalo na at naagnas na ito.

Sabi pa sa ulat, sinamahan ng mga taga social worker ang umano’y nanay sa pagdadala ng fetus sa Laguna upang doon ito ilibing.

Samantala, ang kaso ay hawak na ng Criminal Investigation ang Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal, para sa pagsisiyasat.

ACIRC

ANG

BADJAO

BARANGAY SOUTH TRIANGLE

CAMP KARINGAL

CRIMINAL INVESTIGATION

DETECTION UNIT

ERNESTA MERCARE

METRO MANILA

MOTHER IGNACIA AVENUE

PAMELA MARACHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with