^

Metro

Ngayong holiday season 700 bus binigyan ng special permit ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 350 mga aplikasyon 0 mahigit 700 mga unit ng bus ang nabigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising­ and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga Metro Manila buses na papasada sa mga lalawigan ngayong holiday season.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, epektibo mula ka­hapon ay maaari nang magamit ng mga bus unit ang kanilang special permit para makapasada sa mga lalawigan para maghatid sundo sa inaasahang dagsa ng pasahero na uuwi sa kanilang mga probinsiya ngayong Kapaskuhan.

Ang special permit ay ta­tagal hanggang Enero 3.

Kaugnay nito, inabisuhan ng LTFRB ang mga terminal owners na bigyan ng sapat na akomodasyon ang mga pasahero tulad ng pagkakaroon ng mga first aid station at malinis na mga palikuran na libreng gagamitin ng publiko.

Ang special permit ay taunang naipagkakaloob ng LTFRB sa mga Metro Manila bus o sa anumang okasyon sa bansa upang ayudahan ang mga pasahero na pauwi sa mga probinsiya ngayong kapaskuhan.

ACIRC

ANG

ARIEL INTON

AYON

ENERO

KAPASKUHAN

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING

METRO MANILA

MGA

REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with