Kelot utas sa pamamaril
MANILA, Philippines – Isang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang walang buhay at may tama ng bala sa ulo sa ibabaw ng tulay ng Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Inilarawan ang biktima sa edad 25-30, 5’2 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo na “RMG” sa kanang kamay.
Wala pang natukoy na suspek sa pamamaril dahil natagpuan lamang na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo ang biktima.
Nabatid na inireport lamang ng isang concerned citizen sa Manila Police District-station 9, ang insidente ng pamamaril at nang tunguhin ang lugar ay naabutang wala ng buhay ang nasabing lalaki.
Hindi nakakuha ng anumang impormasyon hinggil sa pangyayari at wala din umanong nakalatag na closed-circuit television (CCTV) sa lugar.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.
- Latest