Babae sinalvage sa Quezon City
MANILA, Philippines – Hinihinalang biktima ng salvage ang isang babae na natagpuang tadtad ng saksak sa buong katawan sa isang bakanteng lote sa Fairview, lungsod Quezon, kamakalawa.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima ay inilarawan sa pagitan ng edad na 35-40, may taas na 5’4, kayumanggi, nakasuot ng kulay itim na T-shirt at itim na skirt at may tattoo na puso sa kanyang balikat.
Sinabi ni PO2 Jerome Dolante na ang biktima ay nadiskubre ng isang Raymart Bais sa may bakanteng lote na matatagpuan sa likuran ng isang bahay sa no. 5051 Sitio Uno, Aubum St., North Fairview, ganap na alas-5:30 ng madaling araw.
Sabi ni Bais, patungo siya sa La Mesa dam para maligo, nang makita niya ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo. Agad umano niyang ipinagbigay alam ang nakita sa barangay na siya namang tumawag ng otoridad para magsiyasat.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bangkay ng biktima, nakita ang mga tama nitong saksak sa katawan na siyang dahilan para ito masawi.
- Latest