^

Metro

Tourist belt pasisiglahin -- Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Peace and order pananatilihin 

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na mas pasisiglahin pa nila ang tourist belt sa susunod na taon.

Ang paniniyak ay ginawa ni  Estrada kasabay ng kanyang pagdalo sa gift giving ng Ermita-Malate Business Owners Association (EMBOA) sa 500 kapus-palad na ginanap sa Remedios Circle, Malate, Maynila.

Ayon kay Estrada, mas pag-iibayuhin pa rin nila ang pagpapaganda at pagpapasigla ng tourist area kung saan maeengganyo ang mga turista at negosyante na ma­mumuhunan sa bansa sa pamamagtan ng pananatili ng peace and order.

Ito lamang ang kanyang nakikitang solusyon upang maibalik ang ningning at sigla ng Maynila.

Malaki din ang pasasa­lamat at apela ni Estrada kay Manila Police District-Station 5 commander Supt. Albert Barot dahil sa pagbaba ng bilang ng mga petty crimes sa kanyang nasasa­kupan. Indikasyon lamang ito na tinutupad ng mga pulis ang kanilang responsibilidad sa publiko.

Sinabi naman ni Barot na pinadagdagan niya ang police visibility sa lugar na kanilang nasasakupan lalo pa’t papalapit ang Pasko at Bagong Taon. Inaasahan na rin ang pagdagsa ng mga mamamasyal at mamimili kaya’t kailangan ang sapat na seguridad.

Samantala, sinabi naman ni Michelle Pe, Presidente ng EMBOA na ang kanilang ginawang gift gi­ving ay paraan ng  kanilang  pasasalamat sa may 16 na barangay na sama-samang nagbibigay ng oras, pagod para sa ikauunlad at ikagaganda ng buong Ermita, Malate.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT BAROT

ANG

AYON

BAGONG TAON

ERMITA-MALATE BUSINESS OWNERS ASSOCIATION

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

MICHELLE PE

REMEDIOS CIRCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with