3 ‘tulak’ arestado
MANILA, Philippines – Arestado ang umano’y tatlong drug trafficker kabilang ang mag-asawa na nakumpiskahan ang mga ito ng may 100 gramo ng shabu at baril sa isinagawang buy-bust operation ng District Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) ng Southern Police District (SPD), kamakalawa sa Taguig City.
Sa isinumiteng ulat ni Supt. Lorenzo Trajano, hepe ng DAID-SOTG kay Police Chief Supt. Henry S. Ranola Jr., district director ng SPD, kinilala ang mga suspek na sina Salvador Mendoza, 31; Ronald Limpot, 34 at ang misis nitong si Edna, 30, ng Bonifacio Global City (BGC) ng naturang lungsod.
Nakuhanan ang mga suspek ng 100 gramo ng shabu, kalibre .45 baril at mga bala. Nabatid kay Trajano, naganap ang kanilang buy-bust operation alas-3:40 ng hapon sa Taguig City. Nang iaabot na ni Mendoza sa pulis na nagpanggap na buyer ang naturang droga, dito ang hudyat para arestuhin ang tatlong suspek.
Kaagad na dinala ang tatlong suspek sa SPD headquarters at sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Section 5 at 11, Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act) at illegal possession of firearms and ammunition.
- Latest