^

Metro

Proteksiyon sa mga kababaihan, pinalakas sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinalakas pa ng Quezon City government ang proteksiyon para sa mga kababa­ihan sa lungsod kasama ang United Nations Equity for Gender Equality at Empo­werment of Women (UN Wo­men) isang Spanish Agency for International Cooperation and Development laban sa street harassment at sexual violence sa mga pampublikong lugar.

Bunga nito, napagkasunduan nina UN Resident Coordinator to the Philippines Ola Almgren, Spanish Agency for International Cooperation and Development head Juan Pita at QC Mayor Herbert Bautista na palawakin pa ang ipinatutupad na programa na makatitiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga kababaihan sa bansa laluna sa mga taga-lungsod.

Ang pagkakapit bisig ng mga nabanggit ay magsisilbing magandang hakbang para ipag­diwang ang paggunita sa 18-day global campaign para mawakasan ang karahasan sa mga kababaihan.

Sa okasyon, kinilala din nina Almgren at Pita ang QC na isa sa pinaka-progressive cities sa bansa na nagpasa ng mga batas na nangangalaga sa kapakanan sa mga kababaihan. Nangako din ang lokal na pamahalaan na aamiyendahan ang Gender and Development Code na ma­itaas ang parusa sa mga kaso ng  street sexual harassment o violence.

“Quezon City has done its part and is now making sure that programs pursued by the city government for this particular advocacy are institutionalized, what we need are more tangible programs for this advocacy and not just create focal persons,” paha­yag ni Bautista.

Itinampok din sa okasyon ang photo exibit, mini bazaar, cultural performance at awar­ding ceremony para sa mga featured short films  and  Safe Cities Advocacy Expo, na may temang “Women FreeFrom Fear!”

vuukle comment

ACIRC

ANG

GENDER AND DEVELOPMENT CODE

GENDER EQUALITY

INTERNATIONAL COOPERATION AND DEVELOPMENT

JUAN PITA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MGA

PHILIPPINES OLA ALMGREN

QUEZON CITY

SPANISH AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with