Top 10 drug pusher sa Quezon City timbog
MANILA, Philippines – Timbog ang isang drug suspect na kabilang sa top ten ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na maaresto sa isang buy-bust operation sa lungsod, kahapon.
Kinilala ni QCPD Director Police Chief Supt. Edgardo Tinio ang suspect na si Ronnel Torres, alias Jong-jong, 33 y/o, single, jobless and resident of Aldama St., Virgen Delas Flores, Baliuag, Bulacan.
Ayon kay Tinio, ang suspect ay matagal nang tinutugis ng Fairview Police Station (PS-5) sa pamumuno ni Police Supt. Alex Alberto, Station Commander of PS-5, dahil kabilang siya sa listahan ng mga tulak ng iligal na droga sa lugar.
Nadakip ang suspect matapos isagawa ang buy-bust operation sa Quirino Highway malapit sa Sacred Heart Village, Brgy. Pasong Putik, alas-2:20 ng madaling araw.
Nagpanggap na bibili ng shabu si Police Insp. Mario Benito sa suspect at nang magkapalitan ng items ay saka na inaresto ang huli.
Nasamsam sa suspect ang dalawang plastic sachets ng shabu at tatlong marked money na P100 na ginamit sa transaksyon
Nakapiit ngayon ang suspect sa PS-5 sa kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest