Sumasakay sa holiday express bus, tumataas
MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga mananakay na tumatangkilik sa holiday express bus para bahagyang makaiwas sa matinding trapik na nararanasan sa Metro Manila.
Ito ang nabatid kahapon kay Crisanto Saruca, head ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office (TDO), na tumaas ng 10 hanggang 30 ang mga pasahero nito lalu na kapag rush hour.
Ang holiday express bus ay alternatibong sasakyan ng mga mananakay na nais umiwas sa trapik, kung saan ang biyahe nito ay diretso mula Makati hanggang Quezon City.
Sinabi pa ni Saruca, mas tataas pa ang bilang ng mananakay na tatangkilik sa holiday expressway bus lalu na ngayong buwan ng Kapaskuhan
Ang holiday express bus ay inilunsad ng LTFRB noong Disyembre 5 at ang biyahe nito ay simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Mas mababa aniya ang bayad sa ticket mula
Trinoma hanggang Park Square Ayala na nasa P60 hanggang P80, ang SM North EDSA hanggang Glorietta 5 nasa P64 hanggang P80 at SM Megamall hanggang Park Square Ayala ay nasa P40 hanggang P50.
- Latest