^

Metro

Proyekto ni Joy Belmonte, Kababaihan Bida sa Quezon City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inorganisa at pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang proyektong magbibigay kalinga at proteksiyon sa mga kababaihan sa tulong ni House speaker Sonny Belmonte na dinaluhan ng may 15,000 kababaihan sa lungsod kabilang ang mga single mother, day care center teachers, barangay officials, street sweepers at iba pa.

Sa ilalim ng proyektong ‘Kababaihan, Bida ka sa QC’, ipinapakita dito ang lakas ng mga kababaihan at naiprisinta ang mga usaping pangkababaihan para sa mga susunod na magiging pinuno ng bansa na  dinaluhan nina Liberal party pre-sidential bet Mar Roxas,Vice Presidential bet Leni Robredo, Senatorial bet Leila de Lima at iba pa.

“Tayong lahat na nandito ngayon ay may mga pangarap. Hangarin natin ang isang lipunang ligtas at mapayapa para sa lahat ng mga kabataan at kababaihan. Hangarin natin ang isang lipunang may sapat at abot kayang oportunidad para sa masustansiyang pagkain, disenteng pabahay, mataas na antas ng edukasyon at mabilis at akmang serbisyong pangkalusugan.Hangarin natin ang maayos at marangal na pinagkakakitaan na sapat sa pang araw araw na gastusin ng pamilya. Hangarin nating mabigyan ng pagkakataon na lumahok sa panlipunan o pampama-yanang gawain. Pangarap nating lahat na makamit ang pinakapayak na karapatang pantao”, pahayag ni Vice Mayor Belmonte sa kanyang talumpati.

“Minsan nakakaranas pa tayo ng karahasan o pang aabuso mula sa mga taong minamahal pa natin at bihira pa tayong mabig-yan ng hustisya.Tunay na nakamamang­ha ang ating mga kayang gawin at tiisin bilang mga kababaihan. Marami tayong naging kakampi nang ating isabatas ang Anti-VAWC law, Anti-rape law, Magna Carta for women at RH law pero gaano man kaganda o kahalaga ang isang batas, mananatili lamang itong dokumento kung walang mga kampeon na sumusulong  sa pagpapatupad nito mula sa pamunuan ng ating lipunan”, dagdag ni Vice Mayor Belmonte.

Tinukoy din sa programa na dapat ay pantay-pantay ang pagtrato sa mga kababaihan at kalalakihan maging sa trabaho, sa pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima ng karahasan at kaligta-san sa mga kababaihan at kabataan.

Ang naturang proyekto ay kauna-unahang naisagawa sa kasaysayan ng lungsod para maipakita ang pwersa ng mga kababaihan sa bansa.

ACIRC

ANG

HANGARIN

KABABAIHAN

LENI ROBREDO

MAGNA CARTA

MAR ROXAS

MGA

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SONNY BELMONTE

VICE MAYOR BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with