^

Metro

Pangwalong ‘Oplan Galugad,’ mga kontrabando muling nasamsam

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nakakumpiska ng mga kontrabando ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pangwalong ‘‘Oplan Galugad Operation’’ na isinagawa sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Ayon kay BuCor Director Retired Lt. General Ricardo Rainier Cruz III, alas-5:30 kahapon ng umaga nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang  maximum security compound, sa NBP.

Nakasamsam sa building 8 ng quadrant 3 ng 20 plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nakalagay sa kulay itim na wallet na kasama ang mga  bola ng bilyar, 9 na pirasong aluminum foil, drug paraphernalias,  2 improvised na baril, 1 frame na ginagamit na materyales sa paggawa ng baril, silencer, 2 lagare, ibat-ibang uri ng patalim at matutulis na bagay.

Ayon sa impormante sa loob ng NBP na tumangging magpabanggit ng pangalan, nasa P5,000 kada isang sachet ang bentahan ng shabu sa kanilang brigada.

Ngunit tumanggi rin itong pangalanan ang supplier ng shabu sa loob ng naturang bilangguan.

Nasamsam naman sa building 8 dalawang lata na naglalaman ng daan-daang piraso ng hinihinalang sex enhancer pills at mga appliances tulad ng electric fan at mga DVD player.

Sa building 5 naman ng quadrant 4 ay nakuha ang 17 sachet ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone at isang tablet. Nabatid, na ito na ang pangwalong ”Oplan  Galugad Operation” ng BuCor kahit sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng bagyong Nona.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRECTOR RETIRED LT

GALUGAD OPERATION

GENERAL RICARDO RAINIER CRUZ

MUNTINLUPA CITY

NABATID

NEW BILIBID PRISON

OPLAN GALUGAD OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with