^

Metro

Paslit sinaksak ng sariling ina

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 2-taong gulang na batang lalaki nang saksakin sa likod ng sariling ina habang natutulog sa loob ng kanilang bahay, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Mary Johnst­on Hospital ang biktimang si John Efren, habang pinipigil naman sa Manila Police District-station 2 ang suspek na si Ethelyn de Leon, 21 anyos, ng no. 537-A Lakandula St. Tondo.

Sa ulat mula kay Manila Police District-station 2 chief, P/Supt. Nicolas Piñon, nagi­sing si Mang Edelberto, lolo ng biktima, dakong ala 1:46 ng madaling-araw  dahil sa malakas na iyak ng bata.

Inalam niya ito at nangilabot nang makita ang suspek na hawak ang patalim habang duguan ang apo na katabi ng suspek sa pagtulog.

Agad dinala ni Mang Edelberto sa pagamutan ang biktima.

Sa ulat, hindi na umano nakakausap ng maayos ang suspek kaya hindi makunan ng pahayag kaugnay sa ginawang pananaksak sa anak.

Ayon umano kay Mang Edelberto, single parent ang kaniyang anak na iniwan ng kinakasama kaya kinukupkop nila ito at ang apo.

Mahaharap sa kasong frustrated parricide ang suspek.

 

vuukle comment

A LAKANDULA ST. TONDO

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

ETHELYN

JOHN EFREN

MANG EDELBERTO

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOHNST

NICOLAS PI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with