^

Metro

Umiwas sa sunog, tumalon sa ilog, nalunod

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkataranta ha­bang nasusunog ang kanyang bahay, isang 30-anyos na mister ang  tumalon sa ilog na naging dahilan ng kama­tayan nito kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Wilbert Zilahi, nakatira sa Road 1, Westline Lingahan ng naturang lungsod.

Ayon sa Valenzuela City  Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-11:00 ng gabi sa bahay ng isang  Ruel Rebarter sa  Road 1, Barangay Ma­landay.

Sa pahayag ni  Rebarter sa mga arson investigator, isang bayaw aniya niya na hindi binanggit ang pangalan ang nagsunog ng mga basura sa loob ng bahay nito para patayin ang mga nagkalat na surot.

Subalit, biglang lumaki ang apoy hanggang sa kumalat ito at tinupok ang may 200 kabahayan kabilang ang bahay ni Zilahi dahil gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Dito nataranta ang biktima, kung kaya’t tumalon ito sa ilog na malapit sa kanyang tinitirhan na naging dahilan naman ng kanyang pagkalunod. Alas-5:00 ng umaga ng  ideklara ng mga awtoridad na kontrolado na ang sitwas­yon. Nasa 600 pamilya ang nawalan ng tirahan.

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY MA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAHIL

NBSP

RUEL REBARTER

VALENZUELA CITY

WESTLINE LINGAHAN

WILBERT ZILAHI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with