^

Metro

Nalugi sa negosyo, junkshop owner nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos malugi sa negos­yo, isang  junkshop owner ang nagpatiwakal, kahapon sa Malabon City.

Dead-on-arrival  sa Paga­mutan Bayan ng Malabon si Rolando Daiz, 59, may-ari ng AXL junkshop ng P. Conception ng nasabing lungsod matapos itong magbigti.

Ayon kay SP03 Benedicto Zafra, ng Homicide Section, Malabon City Police,  alas-12:55 ng tanghali, laking gulat na lamang ng asawa ng biktima na si Marife, 59, nang makita ang kanyang mister na nakabigti ng kumot sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa naturang lugar.

“Kagustuhan ko na ito wala ng ibang mananagot, pasensiya na Fhe wala namang tutulong sa akin kaya ito na lamang ang paraan, huwag mong pababayaan ang sarili mo I Love you Rolly Daiz”, sinasaad sa iniwan umanong suicide note ng nasawi.

Nabatid na nagkaproblema ang biktima sa kanyang negosy­o dahil sa pera na isa umano sa maaaring dahilan kung bakit winakasan nito ang kanyang sariling buhay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAYAN

BENEDICTO ZAFRA

HOMICIDE SECTION

I LOVE

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

ROLANDO DAIZ

ROLLY DAIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with